pagbigyan ninyo ako
Ngayon ko pa lang gagawin ito.
Ang magsulat sa blog sa Pilipino.
Ngunit, hindi ganun kadali para sa akin ang gawin ito. Katulad ng blog, hindi ko alam ang Tagalog nyan. O kaya ang webpage. Ang naisip ng kaibigan ko ay "pahina ng bahay ng gagamba" kung saan natawa ako (hanggang ngayon natatawa pa rin!) Pero paano mo tatagalugin ang blog?
Maiba ako. Bakit ko ginagawa ito?
Sabi kasi ng isang taong kakilala ko, nakakasawa na daw ang blog ko dahil yun at yun na din daw ang sinusulat ko. Parang alam na niya ang kahahantungan ng bawat sinulat ko.
Kung pahahalagahan ko ang kanyang sinabi, masakit ito. Ibig sabihin nakakabagot na ang mga nilalathala ko.
Ngunit. Sapagkat. Datapwat.
Marami nangyayari sa akin ngayon na di ko kayang isulat. Ewan ko ba. Minsan pakiramdam ko masyadong mababaw. Minsan naman masyadong malalim at pansarili lamang.
Nandyan ang dami ng trabaho at paglawak ng aking gawain na binibigay ng iba't iba kong amo. Ang paglipat ko ng pagta-trabahuhang lugar mula sa ikalabin-dalawang palapag dito sa ikaanim na palapag ng aming gusali.
Dahil bakasyon na ngayon, may mga studyante kaming magta-trabaho sa opisina. Apat na Atenista ang aking kinausap para maglingkod sa isa sa mga pangkat na pingsisilbihan ko. Isa lang ang lalaking nakuha ko. Bagama't sya ay pitong taong masbata sa akin, nagustuhan ko sya. At ito'y hindi bilang isang tauhan ko. Bwahahaha =)
Ah, kalalakihan. Ang mga kalalakihan sa buhay ni Cecil/Selya (pede na bang Tagalog ito sa panglan ko?!!)
Nagpaalam na ako kay "Mark." Naisip ko, di naman nya ako pinahahalagahan tulad ng pagpapahalaga ko sa kanya, eh bakit pa? Magkita na lang kami pag dumating na ang mga pinsan ko mula Amerika. Baka sa panahaong iyon, wala na akong gusto sa kanya.
Pero wag ka, may pinapakilala sa akin si "Mark" -- ang kaibigan nyang si N. Pero parang malabo kausap eh. Nais ba naman nyang ako ang manlibre sa kanya! Ok lang sya?! Sabi naman ni "Mark" nagbibiro lang daw yun. Pero hindi magandang biro yan sa isang taong nais mo pa lang makilala.
Nandyan din ang pakikipagtagpo ko kay J, amo ng isa kong kaibigan. Ang unang labas namin ay di na nasundan. Mukhang may balak ata na di maganda si tatang (matnda kasi sya sa akin ng sampung taon.) Buti sana kung ninanais ko sya, tulad ng pagnanasa nya sa akin. Kaso, kulang sa taas at tindig. Tsaka nakalimutan sabihin sa akin ng kaibigan ko na may asawa na pala. Kaya natuluyan ng di na kami lalabas ulit.
Ang mga may asawa talaga o! Ang kulit! Meron pa rin sa pali-paligid.
At andyan din si R ang kausap ko araw-araw mula simula ng buwan ng Marso. Hindi pa kami nagkikita bagama't may balak na sa kanyang kaarawan sa Martes, ika-lima ng Abril. Araw-araw naririnig ko ang sabik sa kanyang boses para kami'y mag-usap sa telepono. Kulang na lang ata sabihin nya na sa akin na ako'y iniibig nya. Eto naman, matangkad kaso di ko masyado gusto ang litratong pinadala nya sa akin.
Si P ay nandyan pa rin. Paminsan-minsan nagpaparamdam. Mula Oktubre, may labing-apat na beses na kaming lumabas. Pero wala naman pahahantungan.
Ewan ko ba. May mga lalake ngunit walang lalake talaga.
Pero bati ng mga kaibigan ko namumulaklak daw ako. Nagkita-kita kami ng mga kaeskwela ko sa AITI nung isang gabi makalipas ang may dalawang taon. Subalit kahit matagal na kaming di mga nagkita, parang kahapon lang nung madalas kaming magkasama. Kaya nga ngayong gabi, magsasama-sama muli kami, kakain, magkakantahan, at magiinuman. Hay, ang bilis talaga ng panahon. Kung dati-dati, proyekto sa isang klase ang pinag-uusapan, ngayon kasalan na. Iba na talaga ang tumatanda.
Bihira na lang akong lumabas ngayon. Minsan nga pakiramdam ko tuod na ako. Siguro nga, tama ang nagsabing nakakabagot na ako. Kasi wala akong ginawa kung hindi, matulog, kumain, magtrabaho, kumain, manood ng telebisyon, matulog. Madalas akong huli ngayon pumasok sapagkat napapatagal ang tulog ko. Napupuyat dahil sa telebisyon o di kaya naman sa pakikipag-usap sa telepono.
Pero maiiba yan sa susunod na linggo. Kailangan ko ng maghersisyo. Malapit na naman ako umabay sa kasal. Pakiramdam ko lumalaki na ang tyan ko. Kung tutuusin, lumaki nga nung Semana Santa. Wala kasi akong ginawa nun kundi magpahinga, kumain, at matulog.
Ngayon panahon na para magbayad. Di bale, kasama ko naman ang utol ko.
O ayan. Isang kakaibang post. Sana naman natuwa kayo (ikaw!) kahit konti sa kakaibang paglalahad ko ng aking kwento.
(Mahirap itong ginawa ko. Ang bagal kong magsulat! Ang hirap mag-isip! Kung ito ay ingles, limang minuto lang kailangan ko para ilathala ito. Tila limangpong minuto ko ata ito isinulat. Malamang maraming mali sa aking balarila!)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home