pauwi na ako
Di talaga kaaya-ayang lumipad mag-isa.
Bukod sa isang mahirap na paalamanan ang nangyari sa amin ng aking minimahal na asawa, ang hirap pumunta sa kubeta mag-isa. Lalo na kung natatae ka.
Bukod sa pagdala ng gamit mag-isa... Di ko na sasabihin kung gaano ko ka-excess baggage. Ibang kwento na yun. Ang hirap maghanap ng kubeta na pang handicap. Di naman kasi kasya yung trolley sa ordinaryong kubeta para di mo maiwan ang gamit mong nag-iisa.
Siguro kung nasa Frankfurt pa ako, maari kung iwan ang gamit ko. Ngunit, subalit, datapwat ako ay nasa Dubai. Di ko maisip na iwan ang laptop, camera, at bagahe kong walang bantay. Sabagay, kung nasa Frankfurt din ako, di ko naman maiiwan gamit ko.
Hay. Ang hirap magpaalam sa asawa ko. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko. May ilang oras lang nakakalilipas nung huli ko syang hagkan. Hanggang ngayon, nasa labi ko pa ang kanyang halik.
Di ko alam kung mabuti itong nangyari sa amin na tatlong buwan pa lang kaming kasal ay nagkahiwalay na kami ng dalawang beses. Ito ba ay isang pangitain. Isang magandang kinalabasan lang nito ay dahan-dahan kaming nasanay sa buhay may asawa. Di biglaan kung baga.
Masaya ang pagpunta ko sa kanya. Natututo talaga akong magluto. Pati kasamahan nya ay nagustuhan ang mga sinubukan kong putahe. Di ko lang alam kung matagal lang silang di nakakain ng lutong Pinoy kaya sila aya ganadong kumain.
Nami-miss ko na asawa ko. Di ko sinasabing lahat ay ubod ng ganda sapagkat nagkakaroon din kami ng alitan at samaan ng loob. Pero iba pa rin ang may kasama kang matulog sa gabi at sa paggising mo ay may humahalik sa iyo ng isang magandang umaga.
Hay.
Naiiyak na naman ako.
Nakakahiya ako dahil sa dalawang paliparan na ako umiiyak bukod pa sa eroplano.
Sana na lang buntis na ako. Para Made in Germany. O di kaya naman Made in France.
Sana sa susunod na paglipad namin sa ibang bansa, magkasama na kami.

5 Comments:
Hello Cuz. Ang tagal kong binasa yung post mo. Hehehe. Tagalog na tagalog ah. Hehehe. Sana nga preggy ka na para may baby uli sa family natin. Lahat kasi ng mga apo ay nasa ibang bansa. Hahaha. Good luck sa inyo ni Ivan and I hope you that you'll have a baby soon.
- Christian
hi cecil!
aaawww, i know how you feel, having spent most of our bf/gf stage LDR.
when gerald had to go to a conference out of london for a week i was so lonely...i missed him so. hehe. ang corny.
but it i hope you feel better soon. and hope you get all you wish for esp the being pregnant bit. *hugs*
Sa simula lang yan. Masasanay ka rin. :) Sayang di na ako nakapunta sa inyo sa Frankfurt. At lalong sayang na di nyo nabisita ang Auto Salon sa Geneva. Daming awto! Muntik na kong mapabili ng pinapangarap kong BMW. Bad trip. Freebies lang nakuha ko. Kalendaryo nung bagong Mitsubishi Evolution tsaka mga tshirt galing sa kung ano-anong pagawaan ng awto.
hey... what happened to ara's blog?
awww. napaka-bittersweet naman ng entry na ito. muntik rin akong maiyak kasi na-imagine ko sya. hahaha!
naalala ko tuloy yung isang kanta na ginawa ng hubby ko. hobby nya kasi ang pag-compose ng kanta based sa mga experiences ng mga ofw (you can search for Tampipi on youtube) at may isa syang kantang titled 'paalam' na swak na swak sa eksenang isinalaysay mo.
gambatte! (good luck or be strong in japanese) ;-)
Post a Comment
<< Home