pauwi na ako
Di talaga kaaya-ayang lumipad mag-isa.
Bukod sa isang mahirap na paalamanan ang nangyari sa amin ng aking minimahal na asawa, ang hirap pumunta sa kubeta mag-isa. Lalo na kung natatae ka.
Bukod sa pagdala ng gamit mag-isa... Di ko na sasabihin kung gaano ko ka-excess baggage. Ibang kwento na yun. Ang hirap maghanap ng kubeta na pang handicap. Di naman kasi kasya yung trolley sa ordinaryong kubeta para di mo maiwan ang gamit mong nag-iisa.
Siguro kung nasa Frankfurt pa ako, maari kung iwan ang gamit ko. Ngunit, subalit, datapwat ako ay nasa Dubai. Di ko maisip na iwan ang laptop, camera, at bagahe kong walang bantay. Sabagay, kung nasa Frankfurt din ako, di ko naman maiiwan gamit ko.
Hay. Ang hirap magpaalam sa asawa ko. Hanggang ngayon ay naiiyak pa rin ako kapag naaalala ko. May ilang oras lang nakakalilipas nung huli ko syang hagkan. Hanggang ngayon, nasa labi ko pa ang kanyang halik.
Di ko alam kung mabuti itong nangyari sa amin na tatlong buwan pa lang kaming kasal ay nagkahiwalay na kami ng dalawang beses. Ito ba ay isang pangitain. Isang magandang kinalabasan lang nito ay dahan-dahan kaming nasanay sa buhay may asawa. Di biglaan kung baga.
Masaya ang pagpunta ko sa kanya. Natututo talaga akong magluto. Pati kasamahan nya ay nagustuhan ang mga sinubukan kong putahe. Di ko lang alam kung matagal lang silang di nakakain ng lutong Pinoy kaya sila aya ganadong kumain.
Nami-miss ko na asawa ko. Di ko sinasabing lahat ay ubod ng ganda sapagkat nagkakaroon din kami ng alitan at samaan ng loob. Pero iba pa rin ang may kasama kang matulog sa gabi at sa paggising mo ay may humahalik sa iyo ng isang magandang umaga.
Hay.
Naiiyak na naman ako.
Nakakahiya ako dahil sa dalawang paliparan na ako umiiyak bukod pa sa eroplano.
Sana na lang buntis na ako. Para Made in Germany. O di kaya naman Made in France.
Sana sa susunod na paglipad namin sa ibang bansa, magkasama na kami.